Pag-atake sa abogado sa Abra, iimbestigahan ng CHR

Pag-atake sa abogado sa Abra, iimbestigahan ng CHR

February 15, 2023 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente ng pag-atake laban sa isang abogado sa Bangued, Abra.

“In line with our mandate as the country’s independent human rights institution, our regional office in the Cordillera Administrative Region is conducting a motu proprio investigation in aid of the pursuit of truth and accountability,” pahayag ng CHR.

Ito ay kasunod ng insidente kung saan si Atty. Hamilcar Bigornia, Integrated Bar of the Philippines (IBP) Abra Chapter president, at aide nito, ay nasaktan nang atakihin ng mga salarin noong Enero 29 sa loob mismo ng opisina nito.

Nakaligtas naman si Bigornia at aide nito.

Samantala, nanawagan ang CHR sa IBP, Philippine National Police (PNP), at iba pang ahensya ng pamahalaan na suriin ang pag-atakeng ito at mga kahalintulad na insidente sa nakaraan.

“CHR notes that threat, intimidation, and the many forms of violence experienced by lawyers, judges, and all those in the legal profession has been a continuing concern by the UN Human Rights Office,” ayon sa CHR.

“Lawyers, judges, and all those in the legal profession are vital in administering justice, finding the truth, and protecting human rights. When lawyers are targeted, the rule of law is similarly under threat, which runs the risk of impunity persisting,” pagpapatuloy nito.

Handa naman ang CHR na makipagtulungan sa pamahalaan upang pag-igihan pa ang proteksyon sa mga abogado at human rights defenders.

Samantala, sinabi ng IBP na nanawagan na rin ito sa PNP at National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang nangyaring pag-atake. RNT/JGC