DROGA KAHIT SAAN

March 27, 2023 @12:29 PM
Views: 40
NAPAKALALAKI ang mga kasong droga sa kasalukuyan.
May mga patayan pa ngang kakambal nito.
KASO NI GOV. ADIONG
Unang pinakamalalaking sumambulat na kasong may kaugnayan sa droga ang pag-ambush kay Lanao del Sur Maminal Adiong Jr. sa Bukidnon nitong Marso 2, 2023.
Nakaligtas si Gov. Adiong at dalawang iba pa ngunit napatay ang apat pulis na eskort nito.
Pero mabibilis kumilos ang Police Regional Office 10 at inihayag ni spokesperson Major Joan Navaro na nahuli nila ang ilang suspek na sina Palawan Salem Macalbo, Nagac Dimatingkal Baratomo at Amirodin Dimatingkal Mandoc habang naunang napatay ang isang alyas Otin na kasamahan ng mga ito.
Isang Kumander Lumala at isang Oscar Gandawali ang pasimuno umano sa pag-ambush.
Nauna rito, mismong si Gov. Adiong ang nagsabing posibleng mga sangkot sa droga ang nang-ambus sa kanya.
Itong grupo umano ni Gandawali ang nang-ambus at pumatay sa limang Philippine Drug Enforcement Agency agents sa Kapai, Lanao del Sur noong 2018.
Kinumpirma ni Lanao del Sur PNP Spokesperson P/Maj. Alvison Mustapha na sangkot sa droga ang grupong ang kinabibilangan nina Macalbo.
TEVES VS DEGAMO
Pinakahuling nagreak si ex-President Mayor Digong Duterte ukol sa patayan nina Congressman Arnolfo Teves Jr. at Negros Oriental Roel Degamo nitong Mrso 4, 2023.
Sabi ni Tatay Digong, sangkot ang droga sa patayan at nagpapasalamat siya na hindi na siya Pangulo ng Pinas, kung hindi, eh, magkakaisyu na naman siya sa extrajudicial killing.
Nauna rito, may deklarasyon ang ilan sa mga killer kay Degamo na sangkot umano sa droga ang kanilang papatayin ngunit ‘di raw nila alam na si Degamo pala iyon.
Namatay ang isang escort ni Degamo, dalawang kapitan ng barangay at apat iba pa.
Isang suspek, si Arnil Labradilla na ex-NPA, ang napatay naman ng mga pulis sa kanilang follow-up operations.
MGA DAYUHAN
Makaraan ng mga patayang nabanggit, sunod-sunod naman ang pagkahuli ng mga sangkot sa droga gaya ng Turkey national na si Kemar Ozenir na nagmula sa Brazil na number supplier ng cocaine sa Europa.
Itinago ang mga dry cocaine sa mga karton ng sabon habang nakalagay sa shampoo bottles ang mga liquid cocaine na may kabuuang halagang halos P29 milyon at natuklasan ito sa Ninoy International Airport.
Sa Rockwell, Makati, naaresto naman ang mga Taiwanese na sina Chen Chien-Ning o Chang Yung-Han o Chang Yung Han, Wu Jheng Long o Wu Chang, Yang Zong Bao, and isang binatilyo at nakumpiskan ang mga ito ng nasa 84 baril at maraming bala.
Itong si Chen Chien-Ning ay big boss umano ng sindikatong kriminal, kasama ang droga sa hawak ng mga ito, sa Taiwan.
Kapag nagpatuloy ang mga ganitong pangyayari, saan kaya hahantong ang mahal kong Pinas?
ADIK, SUNOG, BUMBERO AT SUPLAY NG TUBIG

March 24, 2023 @12:28 PM
Views: 121
NGAYONG tag-init na at pinag-uusapan ang suplay ng tubig na maaaring magiging problema kahit saan, may ilang mahahalagang usaping dapat na pag-usapan.
SUNOG NA GAWA NG ADIK
Meron ba kayong alam na may mga sunog na kagagawan ng adik?
Kung wala, ang ULTIMATUM meron.
Heto sila.
Isa ang nangyari sa isang bayan sa Pampanga.
Anak mayaman ang mama at pinagtripan ang panununog ng kanilang bahay.
Bago mag-pandemic, dalawang beses namang nagkasunog sa Tambunting, Sta. Cruz, Manila.
Naiwang kandila ng mga nagsa-shabu ang pinagmulan ng sunog.
Pareho ang mga sunog na ito na hindi idineklara ng mga nakaaalam sa pangyayari sa mga imbestigador na bumbero.
Apat na taon na ang nakararaan, itong si Jhayson Camposano na kilalang adik umano sa Brgy. Tejeros, Makati, ang inakusahang nanunog ng isang bahay na ikinadamay ng iba.
Nanunog din ng bahay ang nakilalang adik rin umano na si Ramcy bucad, 22, sa Brgy. San Antonio, Minalabac, Camarines Sur noong Pebrero 2013.
Pagdating ng Setyembre 2013, nanunog din ng bahay ang umano’y adik din na si Oliver Abagon ng Brgy. Tabuc, Mobo, Masbate.
Ngayong tag-init, anak ng pitong putakte, mayroon kayang mauulit na panununog ng bahay na gawa ng mga adik sa droga?
Bukod sa pagkasira ng mga ari-arian, nasasayang lang ang napakahalagang tubig na dapat sana para sa inumin, gamit sa mga ospital, iskul at boiler ng mga pabrika.
Nawawalan din ng patubig sa mga puno at halaman na kung mananatiling buhay, eh, panlaban sa polusyon at nawawalan din ng patubig ang mga sakahan para sa pagkain.
PINEPERA
Nauunawaan natin ang pagtulong ng mga bumbero na magkaroon ng suplay ng tubig ang mga matataas na gusali na residential, ospital, komersyal, mall at iba pa.
Malinaw na panlaban sa sunog ang mga ito sa pamamagitan ng mga sprinkler, bukod sa pang-inumin na rin sa maraming tao at iba pang mahahalagang dahilan.
Pero kung inuubos ng mga bumbero ang mga laman ng mga fire hydrant para kumita, ibang usapan na ito.
Libre na ang diesel mula sa gobyerno sa fire truck na pang-deliver, kikita pa sila sa tubig ng kung ilang libo kada karga ng fire truck.
Pinapalusot ang mga tubig para sa mga swimming pool, pabrika at iba pa na dapat ang mga may-ari ng mga ito ang gagastos sa paggawa ng paraan na sila’y magkatubig.
Halimbawa, kumonek sila nang tama sa mga konsesyonaryo ng tubig o local water district.
DAPAT MAGBANTAY
O malinaw, mga Bro, na nasasayang ang tubig o sinuswitik ang tubig sa maraming pagkakataon.
Dapat mabantayan at isumbong sa mga kinauukulan ang lahat ng mga gumagawa nito para matigil ang pagnanakaw at pagsasayang ng tubig.
SUNOG, TUBIG AT TAG-INIT

March 23, 2023 @4:38 AM
Views: 137
IDINEKLARA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na nagsimula na ang tag-init sa buong bansa.
Pati ang mga nilalamig sa mga baybayin North Luzon mula Cagayan hanggang Ilocos Region, eh, nakararamdamin na rin ng init ng panahon.
Habang nagaganap ito, mga Bro, naalala natin ang mga nagaganap na sunog tuwing dumarating ang panahong ito.
Handa na ba tayo sa maraming sunog na darating?
SABAY-SABAY O SUNOD-SUNOD
Nitong nagdaang araw lamang, anak ng tokwa, sabay-sabay o sunod-sunod ang mga sunog sa lungsod lamang ng Maynila sa nakalipas na ilang araw.
Naganap ang mga iyon sa San Andres Bukid na roon inagawan pa ng ilang residente ng hose ang mga tauhan ng isang Fire Volunteer truck.
Lunes ng hapon magkasunog din sa panulukan ng Tayuman at Almeda streets sa boundary ng Sta.Cruz at Tondo.
Kinabukasan, sumiklab din ang sunog sa pagawaan ng mga bote ng San Miguel Corporation sa Delpan Tondo.
Nagkasunog din sa isang residential area sa panulukan ng Bambang at Kalimbas streets sa Sta Cruz, Manila.
Hanggang sa tinitipa ito, mga Bro, inaalam pa ng mga bumbero ang tunay na sanhi ng mga sunog.
NASAAN ANG SUPLAY NG TUBIG?
Kapag may sunog, pangunahin sa inaalam ng lahat ang suplay ng tubig.
Sa ngayon, maganda pa ang suplay nito mula sa dalawang konsesyonaryo na Maynilad at Manila Water dahil okey pa ang laman ng Angat Dam, Ipo Dam at Lamesa Dam na pinagkukunan nila ng tubig.
Pero habang nagtatagal ang tag-init, alam naman ng lahat na paunti nang paunti ang suplay dahil kinokontrol ng mga dam ang kanilang deposito.
Apektado pa nga ang mga magsasaka sa Bulacan na sinusuplayan ng Angat Dam para sa kanilang mga sakahan.
May pagkakataong itinitigil ang suplay sa mga irigasyon upang may tiyak na may inuming tubig ang lahat ng lugar na sinusuplayan ng Maynilad at Manila Water.
Paano kung darating ang mga araw uli na patak-patak lang ang suplay ng maraming lugar at magkasunog?
Pati galaw ng mga bumbero limitado sa ganitong sitwasyon.
MAGTIPID, WASTONG PAGGAMIT
Naiisip nating mahalagang-mahalaga ang pagtitipid at wastong paggamit ng tubig magsimula sa mga araw na ito upang may sapat na suplay nito laban sa sunog.
Sa kwentuhan, may mga pamilya na naliligo ngunit nakaapak sa batya at pagkatapos nilang maligo, isinasalin ang tubig sa sisidlan para naman sa kubeta.
Tutal hindi naman maputik ang sasakyan, naspu-naspu lang naman ang ginagawa ng mga may-ari nito.
Ang mga bagong kasal lang ang hindi mapigilang sobra kung maligo. Hehehe!
O basta tiyakin nating may magagamit ang mga bumbero kung may sunog.
SUNOD-SUNOD NA PARATING NA SHABU

March 22, 2023 @2:35 PM
Views: 69
ANAK ng tokwa, sunod-sunod ang mga ipinapasok sa Pinas na malalaking bulto ng droga, lalo na ang shabu.
Pinakahuli ang P400 milyong shabu na tumitimbang ng halos 59 kilo at nanggaling sa Guinea, Africa.
Spare parts ang idineklarang laman ng mga kahon na pinaglagyan ng mga ito.
Dalawa ang inaresto rito ngunit sinabing napag-utusan lang umano sila.
Nauna rito, may nanggaling sa Pakistan na halagang P80M shabu na tumimbang ng 11.8 kilo.
Sinabing tuwalya lang ang package dito ngunit nalantad na mga shabu pala ang mga laman ng pinaglagyan ng mga ito.
Isang babae ang hinuli rito bilang consignee.
May nanggaling din sa Madagascar, East Africa na P80M shabu at inaresto ang may dala nito.
Biyaheng Madagascar-Hong Kong ang shabu at paglapag ng eroplano, dito na nadiskubre ang droga.
May P2.476M shabu at party drugs na galing sa United States, France at Pakistan ang nasamsam at may mga consignee na taga-Negros Occidental, Makati City at Camarines Sur.
Nahuli ang mga shabu at party drugs na ito makaraang idiskarga mula sa mga eroplano na lumalapag sa Ninoy Aquino International Airport
Galing naman sa Zimbabwe ang halos isang kilong shabu na inilagay sa butones ng mga damit at nagkakahalaga iyon ng mahigit 800 gramo.
Nakumpiska ito sa Clark International Airport sa Pampanga.
Saludo tayo, mga Bro, sa galing ngayon ng Bureau of Customs sa pagsabat sa mga droga.
Gayundin sa ibang mga sangay ng pamahalaan na konektado sa ibang mga bansa na naging tipsters sa paparating na mga droga.
BAKIT KAYA?
Ang isang mahalagang punto rito: Naganap lahat ito mula Pebrero hanggang Marso 21, 2023 lamang.
Paano ang ibang mga buwan bago nito?
Napakalalakas ng loob ang mga nagdadala o tumatanggap sa mga ito.
At sa eroplano pa, hindi sa mga barko, pinadadala ang mga ito kahit madaling madiskubre.
Bakit kaya?
BAKIT NGA BA?
Marahil, may malalaking konek ang mga nagpapadala ng mga droga.
Matataas na opisyal ng pamahalaan, maiimpluwensyang negosyante o basta tusong druglord?
O baka naman may gumaganang ninja sa mga nanghuhuli at ang maliliit lang na bulto ang pinahuhuli?
Baka naman may nagre-recycle din?
Nalalantad sa mga araw na ito ang mga ninja at nagre-recycle.
Pero lumilitaw na walang natutukoy na mga opisyal ng pamahalaan, maiimpluwensyang negosyante o basta tusong druglord?
Bakit nga ba?
NASAAN NA ANG BITAY?
Matagal nang may mga panukalang batas na nagsusulong ng parusang kamatayan, kahit man lang laban sa mga druglord at mga konek nila sa pamahalaan.
Pero inaamag ang mga ito sa Kamara at Senado.
Ito kaya ang isa ring malaking dahilan kung bakit talamak ngayon ang ismagling ng droga sa Pinas?
SAME SEX PARENTS, NO WAY KINA POPE FRANCIS

March 21, 2023 @3:18 PM
Views: 108