Pag-atras ng kandidatura nina Duterte, Go suportado ni Sara

Pag-atras ng kandidatura nina Duterte, Go suportado ni Sara

December 15, 2021 @ 6:47 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pag-atras ng kanyang ama, Pangulong Rodrigo Duterte, at ni Senator Christopher Lawrence Go ng kani-kanilang kandidatura sa Halalan 2022.

Si Pangulong Duterte ay umatras sa kanyang senatorial bid habang presidential bid naman ang binawi ni Senator Go.

Kapwa pormal na naghain ng Certificate of Candidacy withdrawal ang dalawa nitong Martes.

β€œThe filing of candidacy and withdrawal is a personal decision. We can only support that decision,” komento naman ni Sara.

Matatandaang nauna nang isinapubliko nivice-presidential aspirant Mayor Sara ang mga sususportahan kandidatong senador at kabilang dito ang kanyang ama.

Kabilang din sina Deputy Speaker Loren Legarda, former Quezon City Mayor Herbert Bautista, former Defense Secretary Gilbert Teodoro, former Senator Jose β€œJinggoy” Estrada, former presidential spokesperson Harry Roque, at former Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.Β RNT