Pag-canvass ng mga boto sa Senate at party-list race tuloy

Pag-canvass ng mga boto sa Senate at party-list race tuloy

May 17, 2022 @ 3:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itutuloy pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-canvass ng mga boto para sa Senate and party-list races, maliban na lamang kung magbaba ng kautusan ang Korte Suprema para suspendihin ito.

Kasunod ito ng hiling ng grupo ng mga petitioner sa Supreme Court na temporary restraining order (TRO) sa pagka-canvass ng mga boto ng Kongreso para kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hangga’t wala po kaming nakukuha na kahit anong order na pinapahinto kami, na pinapatigil kami, tuloy-tuloy lang po ang magiging canvassing po namin,” ani Comelec commissioner George Garcia sa interbyu sa Teleradyo.

Maliban dito, umapela rin ang mga petitioner na sina Fr. Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, at Josephine Lascano na kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos dahil sa alegasyong material misrepresentation.

Hiniling din nila sa SC na ideklarang “stray” o ligaw ang 31.1 million votes na nakuha ni Marcos.

“Ang Korte Suprema, once na may ma-file na kaso sa kanya, basta nag-exercise siya ng jurisdiction, can always issue anything. They can always issue an interlocutory order. They can always issue an interlocutory remedy. Puwedeng gawin ng Korte Suprema natin iyan,” giit naman ni Garcia.

Sabi pa ni Garcia, maliban sa nasabing petisyon ay walang electoral protests laban kay Marcos ang inihain kaugnay ng resulta ng May 9 polls.

Pero kinumpirma nito na mahigit isang libong mga reklamo kaugnay ng vote buying ang natanggap Task Force Kontra Bigay ng Comelec. RNT/ JCM