Pag-convert sa bike lanes sa sharrow ipinagpaliban sa Makati

Pag-convert sa bike lanes sa sharrow ipinagpaliban sa Makati

February 16, 2023 @ 10:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Makati na ang plano ng pagpapatupad na gawin ang bike lanes sa Ayala Avenue na shared lanes o sharrow ay pansamantalang ipinagpapaliban ng hanggang Marso 6 bunsod ng mga inihaing protesta ng mga maaapektuhang siklista at bike-oriented groups.

Sa Facebook page post ng Make it Makati, sinabi ng grupo na ang biking community ay ang importanteng bahagi ng mga mananakay ng kanilang pinagsisilbihan at kanilang pinahahalagahan ang mga hinaing at panawagan nito.

“We have noted all constructive comments regarding the conversion of Ayala Avenue bike lanes, particularly those that are related to safety. We agree that the safety of all road users should be given utmost importance,” ani ng Make It Makati sa kanilang Facebook post.

Sinabi pa ng grupo na kanila ring pag-iibayuhin ang mga alituntunin para maprotektahan ang mga siklista.

Nauna nang inanunsyo ng Make It Makati na ang lahat ng bike lanes sa Ayala Avenue ay gagawing sharrows o may marka sa kalsada na bisikleta sa ilalim ng ng dalawang wide arrows at gagamitin upang ipaalam ang shared lane ng mga bisiketa at sasakyan na ang ibig sabihin ay parehong maaaring dumaan ang bisikleta at pampasaherong transportasyon.

“This initiative is being done to better serve the commuting public and in preparation for the provision of more and bigger transit sheds along Ayala Avenue. We remain cognizant of everyone’s needs, especially the biking community, and this is why the city is implementing an organized way of accommodating more commuters through sharrows,” paliwanag pa ng grupo.

Matatandaan na nitong nakaraang Pebrero 12 ay nagsagawa ng isang community ride na inorganisa ng Move as One Coalition bilang pagpapakita ng protesta sa proyekto ng sharrowa.

Dagdag pa ng grupo, ang pagpapatupad ng planong sharrows ay isang malaking epekto sa paniniguro ng seguridad ng mga siklista at pasahero dahil maaari nang sakupin ng mga saksayan ang espasyo na nakalaan lamang para sa mga siklista. (James I. Catapusan)