Manila, Philippines – Posibleng sa susunod na buwan pa ide-deport si Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police Director Gregorio Pimentel ng Directorate for Intelligence at kasalukuyan pa silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Taipei Economic and Cultural Office kaugnay rito.
“He was given three months to serve but he is given due notice that he can be granted earlier deportation upon his request,” paliwanag ni Pimentel sa isang press briefing sa Camp Crame.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang eksaktong petsa ng pag-deport sa itinuturing na pugante makalipas itong maaresto sa Taiwan noong buwan ng May.
Si Ardot ay wala noong sa kanyang bahay nang magsagawa ng raid ang PNP na nagresulta sa pagkamatay ng kapatid nito na si Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog Sr at ng 15 iba pa.
Matatandaang may ipinatong na P5-milyon reward money si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makahuhuli kay Ardot. (Remate News Team)