Pag-deport sa 40K Chinese illegal POGO workers sa Pinas mahirap-DOJ

Pag-deport sa 40K Chinese illegal POGO workers sa Pinas mahirap-DOJ

September 22, 2022 @ 9:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Aminado si Justice Secretary Crispin Remulla na hindi magiging madali sa Pilipinas ang mass deportation ng mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagtaya ni Remulla, nasa 40,000 Chinese POGO workers ang iligal na naninirahan sa bansa.

Hindi aniya handa ang bansa pagdating sa kinakailangan na logistics para maisakatuparan ang deportation plan.

Bukod dito, sinabi ni Remulla na problema din sa pagdeport ng mga illegal workers ang mga requirement ng China partikular ang kinakailangan na Covid testing.

Ngayong araw inaasahang makipag-pulong si Remulla (Sept 22)  sa iba pang mga opisyal ng Chinese Embassy para pagusapan ang mga procedure sa maayos na deportasyon ng Chinese POGO workers.

Una nang tiniyak ng Chinese envoy na tutulong sila para matiyak ang maayos na deportation procedures. Teresa Tavares