Pag-endorso ng PDP kay BBM, ‘di matik na endorso ni Digong

Pag-endorso ng PDP kay BBM, ‘di matik na endorso ni Digong

March 22, 2022 @ 2:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tumugon si acting presidential spokesperson Martin Andanar nang tanungin  ukol sa pag-endorso ng PDP-Laban faction sa ilalim ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa presidential bid ni former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Malinaw na ito ay desisyon ng partido pero hindi malinaw na ito ang gusto ni Presidente,” ani Andanar.

“Antayin na lang po natin ang Pangulong Duterte [na magsalita],” patuloy niya.

Hindi na nagbigay ng detalye si Andanar, at sinabing PDP-Laban ang dapat tanungi ukol dito.

“Ako po ay tagapagsalita ng ating Pangulo, hindi ng PDP-Laban,” aniya.

Tumatakbo sa pagka-presidente si Marcos, Jr., anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, katambal ng anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte. RNT/SA