PAG-IBIG FUND IPAGPAPALIBAN ANG APRUBADONG PREMIUM INCREASE

PAG-IBIG FUND IPAGPAPALIBAN ANG APRUBADONG PREMIUM INCREASE

September 16, 2020 @ 12:19 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

INATASAN ng 11-man Board of Directors ng Home Mutual Development Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG FUND sa pangunguna ni chairperson Eduardo del Rosario bilang secretary ng Department of Human Settlement and Urban Development ang management ng ahensya sa pangunguna ni chief executive officer Acmad Rizaldy Moti na muling magkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholder kaugnay sa nauna nang naaprubahan na pagtataas ng monthly premium mula January 2021 hanggang taong 2023.

Ginawa ng Pag-IBIG Fund BOD ang panawagan sa gitna ng patuloy na pagharap ng bansa sa epekto sa ekonomiya ng Coronavirus Disease 2019 kung saan bumagsak sa -16.5% ang ekonomiya sa naunang bahagi ng taon, ang kauna-unahang pagbaba ng ekonomiya mula sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na gumawa ng napakaraming fiscal reforms at nagpanumbalik-sigla sa ekonomiya.

 

DHSUD Secretary Eduardo del Rosario

Noong November 2019, inaprubahan ng BOD ang pagtataas ng buwanang kontribusyon mula sa tatlong dekada ng Php 100.00 ay gagawin na itong Php 150.00 sa January 2021 hanggang maging Php 200.00 sa taong 2023.

Sinang-ayunan ito ng mga miyembro at maging ng mga employer lalo pa’t maganda ang hangarin at patutunguhan ng ahensya.

Nang aprubahan din ito ng BOD ay napakaganda ng economic forecast ng ating mga economic manager at maging ng International Monetary Fund, pero dumating nga ang global pandemic.

Ang karagdagang Php 100.00 na monthly premium sa loob ng tatlong taon ay makatutulong nang malaki para mapondohan ang dumaraming proyekto kaugnay sa pabahay na umaabot sa 17.5% ang inilalago kada taon.

Dumaan ito sa pakikipag-usap sa mga stakeholder hanggang sa aprubahan ng BOD.

Nasa tamang kapasidad naman ang Pag-IBIG Fund para ipagpaliban muna ang pagtataas ng monthly premium dahil matatag at maayos ang pananalapi ng ahensya.

Paliwanag pa ni CEO Moti, napakasensitibo nila sa pinagdaraanan ng higit kumulang 15 milyong miyembro lalo pa’t mismong si Pangulong Digong Duterte sa kanyang weekly address to the nation ay nakikiusap sa mga ahensya ng pamahalaan na pagaanin ang buhay ng mga kababayan natin.

Ang hakbang na kanilang gagawin ay para sa interes ng mga kasapi.

Pero sa nakikita ng economic managers, bahagyang nakahihinga ang pambansang ekonomiya sa unti-unting pagbubukas dito kaya inaasahan na ang pagkambyo ng ating ekonomiya pagdating ng susunod na taon hanggang 2022.

Malaking tulong din na malaking porsiyento ng mga Filipino ay talagang ‘resilient’ at mapamaraan kung kaya naman nag-boom ang online selling sa bansa ngayon, kahit papaano ay may pantawid ang maraming pamilya bagama’t may 5.2 milyong pamilya ang dumanas ng severe hunger sa nakalipas na anim na buwan nitong 2020.

Mabuti na lamang at ang Pag-IBIG Fund ay talagang may pag-ibig sa kanyang mga miyembro.

Inuuna ang kapakanan ng mga miyembro kaysa sa kikitain at karagdagang pondo.

Saludo ang inyong Agarang Serbisyo sa habkanging ito ng Pag-IBIG Fund.


  •  
  •  
  •  

Loading...