Janine, muntik nang makalbo!

January 31, 2023 @8:21 AM
Views: 10
Manila, Philippines – Nag-throwback si Janine Gutierrez nang makapanayam siya ng beteranang broadcast journalist turned YouTuber na si Karen Davila sa vlog nito.
Aniya, expected na raw niya noon na darating ang panahon na papasukin niya ang pag-aartista.
Dahil isang showbiz royalty, wala raw nagtanong sa kanya kung gusto niyang mag-artista dahil ang madalas na nakukulit sa kanya ay kung kelan siya papasok sa showbusiness.
Malaking pressure rin daw sa kanya na mapabilang sa angkan ng mga magagaling na aktor kaya naman trinabaho niya na magkaroon ng sariling pangalan sa local Tinseltown.
Lola nga naman niya ang National Artist na si Nora Aunor at maging ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales kaya hindi maiiwasang maikumpara ang achievements niya sa mga ito.
Aminado rin siyang guilty siya dahil ipinanganak siya ng inang si Lotlot de Leon noong panahong nasa kasagsagan ito ng kasikatan.
Kumbaga, ang laki raw ng isinakripisyo nito para lang maisilang siya sa mundo.
Sa kanilang tsikahan, inamin din ni Janine na dati ay madalas din silang nag-aaway o nagkakatampuhan ng kanyang inang si Lotlot.
Ito raw ay noong panahong naging manager niya ang ina.
Feeling daw kasi niya noon, iba ang naging pakikitungo sa kanya ni Lotlot lalo pa’t madalas na tungkol sa trabaho ang kanilang pinag-uusapan.
Pagtatapat pa niya, nagkaroon pa nga raw siya noon ng autoimmune disorder na alopecia kung saan muntik na siyang makalbo dahil sa matinding stress.
Gayunpaman, sa ngayon daw ay nauunawaan na niya ang ina.
Tungkol naman sa paghihiwalay ng kanyang parents na sina Monching at Lotlot, hindi naman niya ikinaila na nasaktan siya noon lalo pa’t nagkahiwalay silang magkakapatid, with Diego and her staying with their Dad and the others sa kanilang mom.
Sa relasyon naman niya sa leading man na si Paulo Avelino, inamin naman niya na special ito sa kanya pero wala naman siyang binanggit kung opisyal na silang magdyowa.
Gusto raw niya kasing maging pribado ang ibang bagay sa kanyang buhay lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife.
Isa rin daw kasi sa naging payo sa kanya ni Lotlot ay huwag madaliin ang pakikipag-relasyon at pag-aasawa.
Saksi rin daw kasi siya noon sa naging epekto nito sa kanyang mga magulang na sa murang edad ay sumalang agad sa magulong buhay.
Kumbaga, na-trauma rin daw siya sa nangyari sa parents kaya mas gusto muna niyang pagtuunan ang kanyang karera.
Sa ngayon, ini-enjoy ni Janine ang pamumuhay nang independent sa kanyang condo. Archie Liao
P1.6M shabu nakumpiska sa N. Mindanao

January 31, 2023 @7:45 AM
Views: 10
CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P1,672,350.20 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa naarestong mahigit 100 indibidwal kabilang ang dating pulis sa loob ng isang linggong “One Time, Big Time’’ (OTBT) operation sa Northern Mindanao.
Kinilala ang nadakip na dating pulis na si Ronald Ariel Gaguan, alias “Otik,” 41, at nasa Top 2 regional police at PDEA list ng suspected drug personalities.
Nahuli si Gaguan sa Purok-1, Sitio Kilabong, Barangay Vista Villa, Sumilao, Bukidnon noong Enero 27 at nakunan ito ng 15 gramo ng pinaniniwalaan shabu ng suspected na aabot sa halagang P102,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Ayon kay Major Joann Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, simula Enero 23 hanggang 29 naaresto ang 105 katao at ang kabuuan 248.7 gramo na shabu ang nakumpiska.
Sinabi ni Navarro ang 152.460 gramo na shabu na nakumpiska ay aabot sa halagang P1,036,968 sunod naman sa Bukidnon na may P428,760; Iligan City na may P87,244, at Misamis Oriental na P69,591.20.
Nadakip rin ng mga tauhan ng PRO-10 197 wanted persons– 40 ay nasa most wanted person at 157 ay wanted person.
Binalaan rin ni Brig. Gen. Lawrence Coop, PRO-10 director, ang lahat ng lumalabag sa batas na itigil na nila ang paggawa ng anumang ilegal na aktibidad dahil siniguro ng Coop na hindi titigil sa pagtugis at patuloy ang kanilang kampanya kontra-droga. Mary Anne Sapico
Educ situation sa Pinas, inilatag ni VP Sara

January 31, 2023 @7:30 AM
Views: 11
MANILA, Philippines- Ang mga pagbabago sa K to12 program upang mas maging ‘responsive’ sa panahon ngayon, school facilities na nangangailangan ng pagkumpuni, private schools na nagsara at ang pangangailangan para sa mas inclusive system, ang mga bagay na inilatag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
“These issues and more are facing learners and teachers,” ayon kay Duterte sa kanyang report sa basic education system, araw ng Lunes.
Sinabi ni Duterte na mula sa 327,851 school building ay 189,324 ang kailangan na kumpunihin kabilang na ang 89,000 na kailangan ng major work.
Sa nasabing istraktura, 21,727 ang hindi na ligtas.
Sinasabing sa 28.4 million enrolees para sa 2022-2023, mayroong substantial decline sa private school enrollment, resulta ng pagsasanay ng 1,600 private schools.
Binanggit din ni Duterte ang inclusivity issues kung saan ang edukasyon ay hindi available sa mga mag-aral mula sa indigenous peoples sa “isolated at poor areas.”
“We need to improve their participation rate in basic education,” anito.
Binanggit din ni Duterte ang depekto sa K to 12 program.
“The ongoing review of the K-12 curriculum has revealed that the curriculum content is congested, that some prerequisites of identified essential learning competencies are missing or misplaced, and that a significant number of learning competencies cater to high cognitive demands,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sinabi nito na ang programa ay may pasan na “weak” teaching methods na hindi makatutugon sa “new realities in education.”
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ng DepEd ay mayroong hanggang Hulyo para isapinal ang pagsusuri sa K to 12.
Sinabi ni Duterte na tinitingnan din ng education department ang “literacy issues,” tumutukoy sa 2018 study na nagpapakita na ang mga Filipino learners ay naguguluhan sa basic math.
“But studies like these are opportunities for us to thoroughly examine our system and the defects that hurt our children’s abilities,” aniya pa rin
Samantala, sinabi ni Duterte ang mahalagang papel ng mga guro, tinawag niyan ang mga Ito bilang “lifeblood of the Department of Education.”
Aniya, habang ang mga guro ay “dedicated,” kulang naman sa suporta ang mga ito.
“The sad reality is that the system has failed them,” ani Duterte.
“To address these concerns, the department is implementing the MATATAG Agenda, which will hopefully result in a “Bansang Makabata at Batang Makabansa,” ayon Kay Duterte.
Ang MATATAG, tumutukoy sa target ng DepEd gaya ng “Make the curriculum relevant to produce competent, job-ready, active, and responsible citizens; TAke steps to accelerate the delivery of basic education facilities and services; TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; and, Give support to teachers to teach better.” Kris Jose
Pagpapalawig ng deadline para sa Saudi Oger backwage claimants, ihihirit ng DMW

January 31, 2023 @7:15 AM
Views: 14
MANILA, Philippines- Ihihirit ng Migrant Workers Department ang pagpapalawig sa online registration deadline para sa former Saudi Oger employees na naghahanap ng kanilang hindi nababayarang backwages.
Sa ulat, 80 percent sa claimants ang may problema sa pagrerehistro ng kanilang backwages dahil sa problema sa pag-access sa website ng pagpaparehistro o hindi maibigay ang kinakailangang dokumentasyon upang gawin ang kanilang claim.
Isang araw bago ang registration deadline, nagtungo ang ilang mga dating empleyado at kaanak ng mga empleyado sa opisina ng DMW Kung saan ipinaliwanag sa kanila ang Saudi Oger registration.
Paliwanag ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na limitado ang registration process ng Saudi Oger sa dating empleyado ng kumpanya at walang kinalaman ang Saudi Arabia Crown Prince’s announcement na ang gobyerno ay maglalaan ng P532 milyon para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho.
“Ang website na pinupuntahan niyo ay hindi website ng Philippine government. Ito ay isang private initiative ng Saudi Oger,” pahayag ni Caunan
“Wala pang paguusap between the Philippine government and Saudi sa claims ninyong lahat, hindi lang ng Saudi Oger, pati ng ibang kumpanya.”
Gayunpaman, sumulat ang DMW sa gobyerno ng Saudi at ipinaalam na nilayon nilang pag-usapan ang P532 milyon na pondo ng kompensasyon ng Crown Prince.
Tulad ng para sa mga dating manggagawa sa Saudi na hindi pa nagsampa ng anumang claim, sinabi ng DMW na kailangang i-email ng mga manggagawang ito sa kanilang mga dating kumpanya ang kanilang patunay ng trabaho at ipaalam sa kanila ang kanilang layunin na maghain ng claim.
Ang mga dating manggagawa ay binigyan ng instruction kung ano ang susunod nilang gagawin upang makakuha ng isang form ng paghahabol na kailangan nilang lagdaan, at kung saan kailangan nilang manatili sa ngayon.
Habang humihiling ang DMW ng pagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro, walang garantiya na ito pagbibigyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
LPA trough, shear line, amihan magpapaulan sa bansa

January 31, 2023 @6:45 AM
Views: 16