PAG-IBIG HANDA NA SA CALAMITY LOAN APPLICATION NG MGA NILINDOL SA HILAGANG LUZON

PAG-IBIG HANDA NA SA CALAMITY LOAN APPLICATION NG MGA NILINDOL SA HILAGANG LUZON

August 3, 2022 @ 4:58 PM 1 week ago


NAGHANDA na ng halagang P3 billion pesos ang pamunuan ng Pag-IBIG Fund para sa inaasahang dagsa ng aplikasyon sa calamity loans matapos yanigin ng 7.0 Magnitude na lindol ang Northern Luzon nitong July 27, 2022, ganap na 8:43 ng umaga.

Ayon kay DHSUD o Department of Human Settlement and Urban Development secretary at siya ring chairperson ng Pag-IBIG Fund board Jose Rizalino Acuzar, makikinabang sa calamity loan ang mga miyembro sa Ilocos region, Cagayan Valley region, at sa Cordillera Administrative Region.

Sinabi din ng kalihim na nakipag-ugnayan na ang provident fund agency sa ibang mga ahensiya ng pamahalaan para sa gagawing mga aksyon para makatulong sa mga sinalanta ng lindol alinsunod na rin sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ng bumisita ito sa Abra kamakailan.

Alinsunod sa calamity loan program, papayagan na hanggang 80% ng kabuuang savings ang mahiram ng isang miyembro na kanyang babayaran sa loob ng tatlong taon na may 5.95% na interest bawat taon, at may grace period na dalawang buwan bago simulan ang pagbabayad. Maaaring mag-sumite ng aplikasyon sa Pag-IBIG Fund branch office na malapit sa kanila sa loob ng 90 days mula ng maisailalim sa state of calamity ang kanilang lugar.

Samantala, ibinalita din ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti na magkakaroon ng “Lingkod Pag-IBIG On-Wheels” at magtatayo ng mga offsite services desk para tumanggap at mag-proseso ng aplikasyon. Ginawa ito ng ahensiya dahil batid nilang sa panahong ito mas higit na kailangan ng mga miyembro sa Ilocandia, Cagayan Valley at CAR ng pinansiyal na tulong para mabilis na makabangon buhat sa kalamidad.

“In the wake of calamities, we are aware that our members need to have immediate access to our benefits and services. Immediately after the earthquake was felt, we deployed our mobile branch – the Lingkod Pag-IBIG-On-Wheels – to go around Ilocos Region, Cagayan Valley and the CAR and provide services where it’s needed most. In coordination with local government units, we have also set up on-the-ground service desks near evacuation areas and government centers in these regions so that members can easily access us. Our Virtual Pag-IBIG also remains ready to accept calamity loan applications online from members who have access to internet service. And, even while our own offices and personnel in earthquake-hit areas have also been affected, our branches are open and ready to receive calamity loan applications and housing loan insurance claims. Our members can be assured that during difficult times, Pag-IBIG will always be there to help them,” Ayon kay Moti.