PAG-IBIG SAVINGS PROGRAM,  NAGTALA NG BAGONG REKORD

PAG-IBIG SAVINGS PROGRAM,  NAGTALA NG BAGONG REKORD

February 23, 2023 @ 1:41 PM 4 weeks ago


PANIBAGONG rekord na naman ang naitala ng HDMF o Home Development Mutual Fund o mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund na umabot sa Php 79.9 bilyon ang nakolektang kabuuang impok noong taong 2022.

Mas mataas ito ng 25% o karagdagang Php 16.2B noong taong 2021 na nagtala ng kabuuang Php 63.7B.

Bahagi rin ng savings program ng Pag-IBIG Fund ang regular savings na tumaas din ng 6% na mula sa dating Php 37.71B ay umakyat sa Php 40.06B nitong nakaraang taon.

Kapwa ikinatuwa nina Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, na siya ring chairman ng 11-man Pag-IBIG Fund board of trustees, at         chief executive officer Marilene Acosta, ang magan-dang record high na muling naitala ng ahensya sa gitna ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa buhat sa epekto ng coronavirus disease 2019 pandemic at mga kalami-    dad. Nananatiling mataas      ang pagtitiwala at kumpiyansa ng mga miyembro sa institusyon.

Tumaas din ng 53% o     Php 13.89B ang MP2 Sa-vings na nagtala ng kabuuang Php 39.84B nitong 2022 mula sa dating Php 25.95B.

NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL, ISASAGAWA SA MARCH 9

Ipinaaalam ng NDRRMC o ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasagawa ng isang National Simultaneous Earthquake Drill sa darating na March 9, 2023, araw ng Huwebes, sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Katuwang ng NDRRMC dito ang OCD o ang Office of Civil Defense.

Inaasahan ang koope-     rasyon ng lahat sa pagsasagawa ng “Duck, Cover and Hold” habang nagkakaroon ng paglindol.

Isinasagawa ang mga earthquake drills para ma-   ging handa ang publiko sa anomang pagtama ng malakas na lindol katulad ng nangyari sa mga bansang Turkiye at Syria na umabot na sa   forty-six thousand ang nasawi.

Nito lamang February 17, nagkaroon ng 6.0 Magnitude earthquake sa Ticao island, Masbate kung saan 61 bahay ang nasira at puminsala sa 15 paaralan.