Pag-iimprenta ng banknotes, labag sa batas – BSP

Pag-iimprenta ng banknotes, labag sa batas – BSP

January 12, 2022 @ 3:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko sa pag-iimprenta ng Philippine banknotes dahil sa labag ito sa batas.

Isinaad ng BSP sa kanilang Circular No. 829, series of 2014 na ang pag-iimprenta ng kahit anong imahe ng legal tender Philippine currency banknotes ay magdudulot ng pagkakakulong hanggang 10 taon.

Nag-ugat naman ang naturang paalala nang maaresto ng National Bureau of Investigation at  BSP Payments and Currency Investigation Group (PCIG) ang isang indibidwal na nagbebenta ng cash envelope na may nakaimpretang P1,000 bill.

 “The public may be allowed to reproduce images of Philippine banknotes if authorization or approval from the BSP has been secured for educational, historical, numismatic, newsworthy, or other relevant purposes that will maintain, promote, or enhance the integrity and dignity of the Philippine currency.”

“The public may request approval from the BSP to print or reproduce images of Philippine banknotes through the PCIG at email address [email protected],” dagdag pa ng BSP. RNT/FGDC