Pag-import ng pamahalaan bawasan na muna – agri groups

Pag-import ng pamahalaan bawasan na muna – agri groups

September 15, 2022 @ 5:23 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupo ng mga agricultural stakeholders na bawasan na muna ang pag-angkat ng bansa sa mga produktong agrikultural.

Ito ay dahil na rin sa humihinang halaga ng piso kontra dolyar na dahilan para bayaran ng mas mahal ang inaangkat na produkto.

“A weak peso is disadvantageous for imports, especially as the Philippines still heavily relies on commodities sourced from other countries, from oil to inputs to finished agricultural goods,” nagkakaisang pahayag ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), United Broiler Raisers Association (UBRA), at Tugon Kabuhayan.

Matatandaan na kamakailan lamang ay bumagsak sa all-time low level ang halaga ng piso kontra US dollar.

Maliban dito, apektado rin umano ang sektor ng agrikultura dito sa Pilipinas dahil mas mahal ang presyo ng fertilizer at raw materials sa pandaigdigang pamilihan.

Dahil dito ay mas nangangailangan umano ng suporta ang local producers mula sa pamahalaan at isang paraan doon ay ang pagbawas ng mga inaangkat na agricultural products sa ibang bansa. RNT/JGC