Pag-import target bawasan ni PBBM; produksyon ng bigas, mais tataasan

Pag-import target bawasan ni PBBM; produksyon ng bigas, mais tataasan

July 6, 2022 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maingat na pangangasiwaan at mahigpit na imo-monitor ng gobyerno ang mataas na inflation sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay matapos na ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang Philippine inflation ng three-year high na 6.1% nitong buwan ng Hunyo mula sa 5.4% noong Mayo at 3.7% naman noong nakalipas na taon sa gitna ng mataas na halaga ng pagkain at transportasyon.

“We are having to be careful because essentially our economic policy right now monetary — our monetary policy right now is essentially to use interest rates to hold, to take control of the inflation rate,” ayon sa Pangulo sa kanyang unang press conference sa Malakanyang.

Ang gobyerno aniya ay hindi tumitingin sa “specific exchange rates.”

Nauna rito, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na maaaring ikonsidera ng central bank ang “bigger interest rate hikes” sa Agosto upang pahupain ang inflation at suportahan ang piso.

Ikokonsidera rin nila ang unti-unting pagtaas sa policy rates mahigit sa planong 25 basis points hike.

“Inflation is driven by the increase in commodity prices which is “beyond our control.”,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Much of our inflation is actually imported inflation. It is imported because it is the inflation on the products that have suffered inflation that we import,” aniya pa rin.

Ang Inflation ay “rate of increase in the prices of basic goods over a period of time.”

Kadalasang nangyayari ito kapag ang suplay ng produkto o serbisyo ay hindi mapanatiling mataas ang demand.

Bilang bahagi ng pagsisikap na maibaba ang preesyo ng pagkain, sinabi ni Pangulong Marcos na plano ng gobyerno na palakasin ang produksyon ng mais at bigas.

“We will do it in the Department of Agriculture to boost production of rice and corn in the coming two quarters hanggang Pasko (until Christmas), until after Christmas,” ayon kay Marcos, kasalukuyang Kalihim ng Department of Agriculture.

Aniya, mahalaga ito dahil mas ginusto ng pamahalaan na “import as little as possible”.

“If we are able to increase production sufficiently…It’s not really an import substitution measure, it is a strategic food supply measure,” dagdag na pahayag nito.

Muli namang inulit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na iprayoridad ang agriculture sector para tugunan ang nagbabadyang food crisis sa bansa.

“That is why I made agriculture the highest priority of everything that we are doing. Because you cannot build a strong economy unless you have a foundation of a robust agriculture sector which assures food supply even in emergencies,” ang pahayag nito. Kris Jose