Pag-imprenta ng balota para sa overseas voting, pinagpaliban

Pag-imprenta ng balota para sa overseas voting, pinagpaliban

January 20, 2022 @ 10:08 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mga balota para sa overseas absentee voting para sa May 9,2022 elections

Ang OAV ballot printing ay dapat sanang simulan kahapon January 19.

“The printing committee, taking into consideration various technical factors, has moved the start of printing to a date yet to be announced,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. .

“The tentative start of ballot printing is tomorrow, January 20,” dagdag nito.

Tiniyak naman ni Jimenez sa publiko na ang pagpapaliban ay hindi makakaapekto sa timeline ng Comelec sa preparasyon para sa pagsasagawa ng eleksyon ngayong pandemya.

“The committee assures the public that this later start will not negatively impact the Comelec’s preparations for the elections,” ayon pa kay Jimenez

“The ballot faces will be released as soon as the finalization process has been completed,” sabi pa niya

Nauna nang inihayag ng poll body na ang National Printing Office na pinapatakbo ng estado ay mag-iimprenta ng 67,442,714 na balota para sa halalan sa Mayo.

Sa bilang na ito, 1,697,202 ay para sa overseas voting habang 65,745,512 ay para sa local voting.

Ang campaign period para sa national candidates ay magsisimula sa February 8.

Sa local candidates naman ay sa March 8 naman magsisimula ang kampanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden