‘Pag inendorso ni Digong, Lacson ‘di tatanggi

‘Pag inendorso ni Digong, Lacson ‘di tatanggi

January 30, 2022 @ 11:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Partido Reporma presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tatanggapin niya kung sakaling iendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Presidente.

Sa interbyu sa Manila Bulletin, sinabi ni Lacson na bukas siya sa pag-endorso ng Pangulo kung sakaling mangyari ito.

Pero iginiit niya na ang pag-endorso ay hindi ibig sabihin na maging ang polisiyang ipinatupad ay pinaniniwalaan ng nag-endorso ay magiging polisiya na rin niya.

“An endorsement from a very popular president? But if you are anointed it doesn’t mean that you will embrace hook, line and sinker kung ano ang policies di ba? Any endorsement especially one coming from a very popular president,” ani Lacon.

“Yeah of course. ‘Pag tinanggihan mo, parang napaka-arrogant mo naman di ba? Any endorsement not just from the president, especially from the president, but not just from the president. ‘Pag ka ikaw tumatakbong maski anong position, huwag lang sa demonyo, tatanggapin mo ang endorsement,” giit pa ng beteranong senador.

Nauna nang isiniwala ni Ping sa nasabi ringn interbyu ang mga polisiyang ipagpapatuloy niya na ipinatupad ng Duterte Administration.

Kabilang dito ang “Build, build, build” infrastructure program at ang ‘war on drugs’ pero lalahukan niya umano ito ng drug prevention programs at rehabilitasyon.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Lacson na pabor siya sa sapilitang military service para sa mga hustong gulang na Pinoy dahil mapalalakas nito ang pagmamahal ng mga kabataan sa bansa. RNT