Pag-inom ng Ivermectin vs COVID ikinokonsidera ni Gary V.



Pag-inom ng Ivermectin vs COVID ikinokonsidera ni Gary V.

April 15, 2021 @ 6:09 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aminado si Gary Valenciano na ikinonsidera niya ang pag-inom ng Ivermectin bilang panangga sa coronavirus disease (COVID-19).

Aniya, tinitimbang niya ang advantages at disadvantages sa pag-inom ng naturang gamot.

Dagdag pa ni Gary, maging ang kanyang asawang si Angeli Pangilinan ay umiinom ng Ivermectin na nagpositibo rin sa COVID noong Marso.

“I’m trying to stay heaIthy, because the vaccine is not yet with me. I can get some Ivermectin — I think my wife has some — but I was always weighing the pros and cons and I’m thankful that everybody asks the questions that needed to be asked, ’cause it kinda settled and answered some of the questions I didn’t even have in mind initially,” kwento pa nito.

Maaalalang kasalukuyang nagiging maingat ang Department of Health (DOH) at the Food and Drug Administration (FDA) sa pag-apruba ng naturang gamot dahil wala pa anilang malakas na ebidensya na gamot ang Ivermectin. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •