Pag-iyak, mabisang pampapayat

Pag-iyak, mabisang pampapayat

May 10, 2019 @ 1:28 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Hindi biro ang pagbabawas ng timbang gayong hindi mawawala ang mga pagkakataong maiiyak ka na lang talaga sa sobrang gutom, pagod sa workout at emotional breakdown.

 Pero ang maipapayo ko sa iyo ka-Remate, iiyak mo lang ‘yan dahil makatutulong pa rin ‘yan sa iyong pagpapapayat.

Isang pag-aaral kasi ang nagsasabing ang emosyonal na pag-iyak ay makatutulong sa pagbabawas ng timbang dahil kinokonekta ito sa hormone na nagpapataas ng cortisol level. Sa katunayan, isang biochemist na kinilalang si William Frey ang nakatuklas na ang stress-induced tears o ang luha bunsod ng matinding emosyon ay nakatatanggal ng anumang klase ng toxic substances sa katawan ng tao.

Dahil dito, ang katawan ng tao ay hindi na makapag-iimbak ng mas maraming taba gayong nailabas na ng katawan ang stressful hormones sa pamamagitan ng pag-iyak.

Image result for crying meme gif

Ayon kay Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group, mayroong tatlong klase ng luha: Basal, Reflex at Psychic.

Ang Basal tears ay kinukunsiderang “basic functional tear” dahil pinananatili nitong basa ang mga mata. Ang Reflex tears o ang “irritation tears” naman ay ang luhang inilalabas sanhi ng environmental stressors gaya ng usok, alikabok at iba pa. Samantala, ang Psychic tears naman ang luha na inilalabas sa dahil sa matinding emosyon o pakiramdam.

Ayon sa pag-aaral, nakapagpapapayat lamang ang pag-iyak kung totoong emosyon ang magiging sanhi nito. Mas mabisa rin na umiyak mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi dahil ito ang pinakamagandang oras na umiyak dahil sa nakalulungkot na pelikula o pagluksaan ang mga relasyong pumanaw na.

Normal lang sa mga tao ang pag-iyak at para sa mga gustong magpapayat, ihanda na ang inyong tissue at sabay-sabay tayong umiyak./Remate News Team