Pag-iyak nakababawas ng stress – “Tear Teacher” ng Japan

Pag-iyak nakababawas ng stress – “Tear Teacher” ng Japan

October 15, 2020 @ 1:39 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Japan – Hinihimok ni Hidefumi Yoshida ang mga tao upang umiyak upang mawala ang stress at maging masaya.

Walong taon nang ginagawa ito ni Yoshida upang maibsan ang stress ng kapwa niya Hapon.

Pinangangaral nito ang mga tao ng benepisyo ng pag-iyak at kung papaano lalabanan ang stress.

Aniya, 50,000 katao na ang kanyang natulungan niyang umiyak.

Nagsasagawa siya ng workshops at lectures patungkol dito.

“If you cry once a week, you can live a stress-free life,” ani Yoshida sa isang panayam ng Japan Times.

“The act of crying is more effective than laughing or sleeping in reducing stress,” dagdag nito.

Paliwanag nito ang parasympathetic nerve activity ay nagpapabagal sa heart rate at nagpapakalma sa ating isip.

Dagdag nito na mas malakas ang pag-iyak mas magagaan ang iyong pakiramdam.

“My job is to make people feel refreshed through crying,” pahayag naman nito sa BBC.

“I have brought nearly 50,000 people to tears in the last seven and a half years. I use films, children’s books and letters to make people cry. I use films with different themes, such as family, animals, athletes or nature. Some people cry from just watching beautiful scenes of nature.” RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...