Pag-iyak ni John Amores sa dugout, pinagtawanan lang ng fans at tinawag na iyak iyakan

Pag-iyak ni John Amores sa dugout, pinagtawanan lang ng fans at tinawag na iyak iyakan

November 13, 2022 @ 10:41 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Maraming fans ang lalong nagalit nang makita ang video ng basagulerong si Jose Rizal Bombers player John Amores na humahagulgol sa iyak sa loob ng dugout matapos magwala at manapak nang mga kalabang manlalaro sa NCAA kontra sa College of St. Benilde noong Martes.

Ang iyak umano ni Amores ay takot lang matapos niyang mapagtanto ang bigat at parusang haharapin nito matapos magwala na parang baliw sa loob ng court, ayon sa fans

Sa video, sa loob ng Heavy Bombers dugout, makikita ang 6-foot-2 forward na umiiyak habang pinapatahan ng kanyang asawa ilang sandali matapos magwala sa loob ng court.

Sa dugout short video, na inilabas bago ang laro ng JRU’s kontra San Sebastian noong Biyernes, ay nagsimula sa 10:38 mark.

Sinampal si Amores ng indefinite suspensions dahilan para hindi na ito makalaro sa natitirang bakbakan sa NCAA Season 98 seniors basketball tournament.

Sinampahan na nina CSB players Jimboy Pasturan and Taine Davis ng pormal na kasong criminal si Amores sa San Juan Prosecutor’s Office noong Biyernes.

“This is not just an outburst of emotion but this is actually a criminal case and CSB is not going to let this slide and take this sitting down,” ani Atty. Aldwin Salumbides, ang legal counsel ng CSB players.

“Justice needs to be served. What happened on the court spills over to the trial courts kasi may consequences eh.”JC