‘PAG MAY USOK, MAY APOY

‘PAG MAY USOK, MAY APOY

July 4, 2022 @ 10:55 AM 1 month ago


HINDI dapat isantabi ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isiniwalat na listahan ni Senate Pre-sident Tito Sotto hinggil sa ilang kilalang personalidad na sangkot umano sa malawakang Agri smuggling sa bansa.

Kung si dating Press Secretary Martin Andanar nga ang masusu-nod, kailangang kasuhan at panagutin sa batas ang mga opisyal na ito upang maging leksyon sa iba pang ganid sa kwartang mga indibidwal na walang iniisip kundi gamitin ang poder para sa pansariling interes.

Bagaman ang korte lang ang magpapatunay kung may kinalaman nga matataas na opisyal ng Customs Bureau, Department of Agriculture at iba pa, su-balit isang mala-king kontrobersyang kailangang si-lipin ng maige ng bagong gobyerno upang matuldukan na ang pagpupuslit ng karne, gulay at isda sa bansang pumatay sa lokal na agri at fishery sectors.

Hindi biro ang expose ni Senador Tito Sotto at batay naman sa kanyang mapagkakatiwalaang sour-ces, umabot na umano sa 667.5 mil-yong piso ang halaga ng pinalusot na imported na agri products sa bansa mula 2019 hanggang ngayon kung saan ikinabagsak naman ng mga kababayan nating magsasaka at mangingisda.

Hindi ba’t todo depensa noon si dating Agriculture Secretary William Dar na ang importasyon ng baboy at gulay ang solusyon sa kakula-ngan nito sa mga palengkeng nagpapataas sa presyo kahit pa iginigiit ng local hog growers at farmers na kayang suplayan nito ang mga mer-kado?

Tangna, nabubulok na nga ang mga patatas at carrots sa Benguet bunsod sa walang mababagsakan noon ang Baguio growers subalit ikinasa pa rin ng mga mokong ang pag-aangkat nito.

Kahit nga ang importasyon ng galunggong ay binibira noon ng mga kababayan nating mangingisda dahil sagana naman talaga ang karagatan ng bansang bahagyang naa-pektuhan lang ang huli matapos bayuhin tayo ng malalakas na bagyong panandaliang naibalik din naman ang suplay sa mga merkado.

Nagkataon nga ba na ang isang personalidad na lumutang sa lista-han na sangkot sa isyung ito na si dating Navotas Mayor Toby Tiangco ay kontrolado rin ang itinuturing na pinakamalaking bagsakan ng isda sa Kamaynilaan?

Hindi ba’t dito rin ibinabagsak ang imported na galunggong na mula rin lang naman sa WPS na nasa teritoryo pa ng Pinas?

Esep-esep.

Anomang puna o reaksyon, i-text sa 09999388537/email [email protected]