Pag-redtag nina Badoy, Quiboloy pinalagan ni Magalong

Pag-redtag nina Badoy, Quiboloy pinalagan ni Magalong

January 17, 2023 @ 11:53 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes sa mga legal na aksyon laban kina Pastor Apollo Quiboloy, dating anti-insurgency task force spokesperson Lorraine Badoy at dating rebeldeng si Jeffrey “Ka Eric” Celiz matapos nilang akusahan siya ng muling pagsuporta sa armadong pakikibaka ng komunista.

“In relation to the above-mentioned personalities who have acquired the habit of incessantly defaming people without an iota of evidence, be reminded that no one is above the law,” ani Magalong sa isang pahayag.

Sa isang broadcast kamakailan sa telebisyon, binansagan nina Quiboloy, Badoy at Celiz ang alkalde bilang isang “traydor” at “isang taong walang prinsipyo” at inakusahan siyang “nakipagsabwatan” sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA).

“To be accused that I have turned my back on my lifelong commitment against the CPP-NPA is a grave insult that sweeps aside my lengthy and loyal service to the Philippines,” dagdag pa niya.

Isang retiradong pulis, binanggit ni Magalong ang kanyang karanasan sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa Luzon at Mindanao sa pagtanggi sa mga akusasyon.

Binanggit din niya ang kanyang panunungkulan bilang chairperson ng Regional Peace and Order Council at bilang vice chairperson ng Cordillera Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) kung saan “buo niyang sinuportahan, nang walang anumang mental na reserbasyon” ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). RNT