Pag-secure ng Twitter account sa text, may bayad na!

Pag-secure ng Twitter account sa text, may bayad na!

February 18, 2023 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Twitter nitong Biyernes na tanging paid subscribers ang papayagang gumamit ng text messages bilang two-factor authentication (2FA) method para i-secure ang kanilang accounts.

Pagkatapos ngMarch 20, “only Twitter Blue subscribers will be able to use text messages as their two-factor authentication method,” tweet ng kompanya.

Nangangahulugan ang two-factor authentication, na mas ise-secure ang account, kung saan rekisitos sa account holder na gumamit ng second authentication method bukod sa password. Pinapayagan ng Twitter ang 2FA sa pamamagitan ng text message, authentication app at security key.

Naniniwala ang kompanya na inaabuso ng bad actors” ang phone-number-based 2FA, ayon sa blog post nitong Miyerkules.

Sumagot naman ng “Yup” si Twitter owner Elon Musk sa tweet ng user na binabago ng kompanya ang polisiya “because Telcos Used Bot Accounts to Pump 2FA SMS,” at nalulugi ang kompanya ng $60 kada taon “on scam SMS.”

Bukas na ang blue check mark, na dati ay libre para sa verified accounts ng politicians, famous personalities, journalists at iba pang public figures, sa sinuman na handang magbayad.

Nitong nakaraang buwan, sinabi ng na pepresyuhan nito ang Twitter Blue subscription para sa Android ng $11 kada buwan, katulad ng sa iOS subscribers. RNT/SA