PAG-UNLAD NG BANSA KAYANG ITULOY NI BONG GO

PAG-UNLAD NG BANSA KAYANG ITULOY NI BONG GO

March 5, 2021 @ 12:11 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

BILANG senador na siyang nagtulak ng mga batas at inisyatibo para sa mahihirap at Overseas Filipino Workers, maging ng ilan pang proyektong mas makapagpapaunlad ng bansa, kayang-kaya ni Senator Bong Go na ipagpatuloy ang magandang repormang ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon.

Sayang naman kasi kung hindi rin maipagpapatuloy ang magagandang proyekto ng Duterte administration dahil lang ang credits para sa mga ito ay maaaring hindi maibigay sa susunod na maihahalal na pinuno ng bansa.

Ilang beses nang napatunayan na malaki ang posibilidad na hindi ituloy o i-tengga na lang ang isang proyektong pinasimulan ng nakalipas na administrasyon.

Bagay na hindi ginawa ng Duterte administration dahil mas matimbang dito ang benepisyo para sa publiko ng mga proyektong naiplano at sinimulan sa mga nakalipas na termino kumpara sa credits na makukuha nito.

Bukod sa pagpapatuloy ng programa at reporma sa pamahalaan, maraming beses na ring napatunayan ni Sen. Go ang tunay na malasakit nito sa mga kababayan nating naging biktima ng mga sakuna.

Agad itong sumusugod upang magbigay ng ayuda sa mga kababayan nating nasunugan o nasalanta ng bagyo.

Kakaibang pagmamahal din ang ipinakita ni Sen. Go sa ating kababayang OFWs nang isulong nitong huwag munang ipatupad ang mas mataas na PhilHealth premium contribution sa mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa.

Agad itong dininig ni Pres. Duterte na agad umaksyon sa panawagang ito.

Pinangunahan din ng ating butihing senador ang pagtulak na bumuo ang bansa ng isang departamentong tututok sa pangkabuuang kapakanan ng mga OFW upang mas mabigyang pansin ang kanilang pangangailangan sa loob at labas ng bansa.

Hindi na bago kay Sen. Go ang magbigay-serbisyo sa publiko na tila pa ipinanganak ito upang gawin ang mga bagay na tulad nito nang walang kahirap-hirap at parang natural lang sa kanyang kilos at pananalita.

Iyan ang kailangan ng ating bayan. May kasanayan at tunay na malasakit at pagmamahal sa sambayanang Filipino. Malayo-layo na rin ang ating tinahak upang makamit ang mga pagbabago sa bansa, huwag na nating sayangin ang pagkakataong ipagpatuloy ito.


  •  
  •  
  •