Pag-unlad ng E. Visayas matik na sa bagong admin – solon

Pag-unlad ng E. Visayas matik na sa bagong admin – solon

July 3, 2022 @ 9:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Southern Leyte Rep Christopherson Yap na ang inaantay na kaunlaran sa lalawigan sa Eastern Visayas ay parating na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang pahayag ay ginawa ni Yap bilang pagtukoy kina Pangulong Marcos, Vice President Sara Duterte at incoming House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pawang Eastern Visayas.

“It is our time to shine with the three top officials in our country who are all from Eastern Visayas. It never happened in the past,” pahayag ni Yap.

Ang ina ni Pangulong Marcos na si Imelda Romualdez Marcos ay tubong Tolosa, Leyte habang ang ama ni VP Sara na si Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinanganak sa Maasin, Southern Leyte samantala si Romualdez ay kinatawan ng Leyte.

“The president’s first cousin, Leyte 1st District Rep. Romualdez, is expected to fast-track legislative measures that will facilitate development in the region,that’s a morale booster for us as we aim for more development for Leyte and Samar provinces,”dagdag pa ni Yap.

Ang Eastern Visayas  ay ikaapat na pinakamahirap sa 17 rehiyon sa bansa, sa lumabas na Philippine Statistics Report noong 2021 sinasabing 3 sa bawat 10 pamilya sa Southern Leyte ay tinuturing na mahirap. Gail Mendoza