Pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas tinalakay sa cabinet meeting

Pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas tinalakay sa cabinet meeting

September 27, 2022 @ 4:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas.

Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Pilipino ay bahagi ng agenda ng ika-9 na Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong  Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.

Sa press briefing, sinabi ni  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na “developing the competitiveness of the country’s workforce will help the Marcos administration fulfill its goal of transforming the Philippine economy.”

Nag-prisenta naman ani Cruz-Angeles ang  Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Commission on Higher Education (CHED) ng ilang reporma na magpapalakas sa  human capital development.

“Ang DOLE naman, at TESDA, at CHED ay nag-discuss ng pag-upgrade ng skills of the Filipino workforce. Bahagi ito doon sa economic transformation program ng ating Pangulo,” wika ni Cruz-Angeles.

“Kasama po doon ‘yung educational aspect at isa po ito doon sa aspeto na ‘yun. So, both vocational skills training and expanding the skills of our workforce are part of the economic transformation of the President,”  dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles. Kris Jose