Pag-upong solon ni Guanzon pinigilan ng SC

Pag-upong solon ni Guanzon pinigilan ng SC

June 30, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) para pahintuin ng poll body ang pag-upo at pagpalit ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon bilang top nominee ng P3PWD party-list.

Sinabi naman ng Commission on Elections (Comelec) na tatalima sila sa nasabing TRO.

Kinumpirma ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na natanggap ng Komisyon ang utos nitong Miyerkules ng hapon.

“This is to confirm the receipt of the Temporary Restraining Order issued by the Honorable Supreme Court in GR No. 261123 ‘Duterte Youth vs. the Comelec, the House of Representatives and P3PWD Party List’,” aniya sa isang pahayag.

Sinabi ni Laudiangco na maghahain ng komento ang Comelec sa utos ng SC.

“Comelec will comply with the TRO and its directive to file comment. We will seek representation of the OSG (Office of the Solicitor General) as a matter of procedure,” dagdag pa ng opisyal.

Noong nakaraang linggo, tinaggihan ng Comelec ang verified opposition na inihain ng Duterte Youth Party-list na kumukuwestiyon sa pagpapalit ng mga P3PWD Party-list nominees.

Itinaas ng Duterte Youth ang kaso sa mataas na tribunal.

Una rito, pinayagan ng Comelec ang pagpapalit sa limang nominado, kung saan si Guanzon ang unang nominado ng partido matapos nitong tanggapin ang pagbibitiw ng mga orihinal na nominado ng organisasyon. RNT