Pag-urong ng BSKE sa Oktubre 2023, niratipikahan na ng Senado

Pag-urong ng BSKE sa Oktubre 2023, niratipikahan na ng Senado

September 28, 2022 @ 8:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ngayong Miyerkules, Setyembre 28 ang bicameral conference committee report na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 2022 patungong Oktubre 2023.

Tanging sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, Senador Risa Hontiveros at Senador Pia Cayetano ang bomoto kontra sa naturang hakbang.

Si Senador JV Ejercito na tumatayong chairman of the Senate committee on local government ang nag-ulat ng reconciled version ng panukala kasabay ng sesyon ng plenaryo.

“After much deliberation, it was agreed upon by the members to hold the next synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections on the last Monday of October 2023. The subsequent Barangay and Sangguniang Kabataan Elections will then be conducted every three years thereafter,” ani Ejercito.

Ilan sa mga konsiderasyong inilaan ng bicameral conference committee upang magdesisyon na isagawa na lamang sa Oktubre 2023 ang eleksyon ay mas marami umanong makakaboto dahil school break ito ng mga estudyante at mas makatitipid ang Commission on Elections pagdating sa position paper at computation na ipapasa sa committee on electoral reforms.

“It would give us ample amount of time to revisit our laws and introduce amendments to further strengthen the roles and mandate of our barangay officials,” ani Ejercito na tumutukoy sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections. RNT/JGC