Pag-usbong ng turismo, target ng BARMM

Pag-usbong ng turismo, target ng BARMM

October 7, 2022 @ 6:34 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ng suhestyon ang isa sa miyembro ng interim Bangsamoro parliament ng pagbuo ng ahensya na tututok sa pagpapalago ng turismo sa rehiyon.

Ayon kay Amir Mawallil, bumilis ang paglago ng tourism sector kung kaya’t napapanahon na ang pagbuo ng isang ministry upang tugunan ang pangangailangan dito.

Dahil dito ay naghain si Mawallil ng BTA Proposed Bill No. 13 sa pagbuo ng Ministry of Tourism.

Sa kasalukuyan, ang tourism development ay sakop ng Ministry of Trade, Industry and Tourism (MTIT).

Ani Mawallil, ang Ministry of Tourism ang tututuk sa pagpapaunlad at pagpapakilala ng turismo sa BARMM bilang isang major socio-economic activity na lilikha ng trabaho.

Kasama rin dito ang pagpapakalat ng benepisyo ng turismo sa mas malawak na populasyon ng Bangsamoro.

Dagdag pa ni Mawallil, ang Bangsamoro ay nasa strategic location dahil ito ay nakapaloob sa Brunei Darussalam – Indonesia – Malaysia – Philippines East ASEAN Growth Area.

“Its proximity to this sub-region in the ASEAN makes it an exciting zone for investors to explore,” aniya. RNT/JGC