Pag-usog ng BARMM elections sa 2025, lusot na sa Kamara

Pag-usog ng BARMM elections sa 2025, lusot na sa Kamara

September 15, 2021 @ 8:05 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matapos maipasa sa Senado, aprubado na din sa Kamara ang panukalang postponement ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ( BARMM) elections mula 2022 ay magiging sa taong 2025.

Nasa 187 mambabatas ang pumabor habang walang pagtutol sa House Bill (HB) No. 10121 na aamyenda sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Noong nakaraang Linggo ay kahalintulad na panukala ang inaprubahan din ng Senado.

Bukod sa layon ng panukala na ipagpaliban muna ang unang regular elections ng BARMM, layon ding bigyan ng panahon ang BARMM na tugunan ang mga agarang pangangailangan ng Bangsamoro people, mapalakas ang regional government at kanilang ekonomiya.

Sa pagtatapos naman ng termino ng kasalukuyang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) bibigyang-kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ng 80 miyembro ng BTA na magsisilbi hanggang June 30, 2025. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •