Pagadian City, nagdeklara na ng state of calamity

Pagadian City, nagdeklara na ng state of calamity

March 13, 2019 @ 9:00 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Pagadian City dahil sa epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura nitong Martes.

Umabot na kasi sa P102 milyon ang pinsala ng dry spell sa agricultural products ng Pagadian City.

Ayon kay City Agriculturist Annie Tenorio, ang tagtuyot ay nakaapekto na sa higit isang libong magsasaka sa 40 baranggay ng lungsod.

Pinakamalaki ang pinsala sa mais na umabot sa P69.6 milyon habang P9.3 milyon naman ang naging pinsala sa bigas.

Sa natitira pang high-value crops at seaweeds ay umabot na sa P23.4 milyon ang naitalang pinsala.

Maging ang livestock products ay naaapektohan na rin.

Samantala, hinihintay na lamang ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang damage reports ng tagtuyot upang kanilang mairekomenda na isailalim ang buong Zamboanga del Sur sa state of calamity.

Nitong nakaraang linggo, una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Dimataling./Remate News Team