PAGASA: Cavite, nasa ilalim pa rin ng Orange Warning level

PAGASA: Cavite, nasa ilalim pa rin ng Orange Warning level

June 13, 2018 @ 9:20 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nananatiling nasa Orange Warning level ang Cavite dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat o Southwest monsoon.

Sa inilbas na rainfall warning ng PAGASA kaninang alas-otso ng umaga, araw ng Miyerkules (June 13), inabisuhan ang mga residente ng Cavite na manatiling alerto sa posibleng pagbaha.

Ang Orange Warning Level ay nangangahulugan ng matinding pagbuhos ng ulan na nasa 15-30 mm sa susunod na dalawang oras.

Samantala, ibinaba na sa Yellow Warning level ang mga lugar sa Metro Manila, Bataan, Zambales aat Batangas. Ibig sabihin, posible pa rin ang pagbaha sa mga mabababang lugar. (Remate News Team)