PAGASA, nagbabala sa pagbaha at landslide dahil sa Habagat

PAGASA, nagbabala sa pagbaha at landslide dahil sa Habagat

August 3, 2018 @ 9:28 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente na maging alerto sa maaaring pagbaha at landslide dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat na mararanasan hanggang weekend.

Ayon sa PAGASA, patuloy na uulanin ang Metro Manila, Southern Luzon, at ibang bahagi ng Visayas.

Hindi man papasok ng Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang low pressure area (LPA ) sa 1,780 km silangan ng Cagayan, patuloy naman na maghahatid ng pag-ulan ang habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa briefing ng PAGASA alas-5 ng umaga ngayong Biyernes (August 3).

Binalaan din ng ahensiya ang mga residente ng Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Autonomous Region in Muslim Mindanao sa posibleng pagbaha at landslide.

Wala namang inaasahang bagyo na papasok sa bansa sa susunod na 2 hanggang 3 araw, ayon sa PAGASA. Remate News Team