PAGASA, nagbabala sa posibleng pagbaha at landslide

PAGASA, nagbabala sa posibleng pagbaha at landslide

July 22, 2018 @ 12:13 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal 1 sa Northern Cagayan habang gumagalaw ang Bagyong Josie patungong hilagangsilangan ng Philippine Sea, ngayong Linggo (July 22).

Ayon sa bulletin ng PAGASA dakong alas-8 ng umaga, ang Batanes at Babuyan Group of Islands na lamang ang natitira na nasa ilalim ng Signal no. 1.

Namataas ang bagyo dakong alas-7 ng umaga sa 85 kilometers silangan-hilagangsilangan ng Basco, Batanes.

Pinapanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 60 kph malapit sa gitna at bugso na 75 kph. Patuloy itong gumagalaw papuntang hilagang silangan sa bilis na 35 kph.

Samantala, maghahatid pa rin ng maulap na kalangitan ang southwest monsoon o Habagat sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Mindoro, Rizal, Cavite at Batangas.

Inabisuhan ng mga awtoridad ang mga residenteng sa mga naturang lugar, lalong lalo na ang mga nakatira sa may tabing ilog, mababang lugar at bulubundukin na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide. Pinapayuhan din ang mga ito na makipagtulungan sa mga local disaster office.

Mapanganib pa ring pumalaot sa mga baybayin ng Northern Luzon at sa kanlurang baybayin ng Central Luzon lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1, ayon pa sa PAGASA. (Remate News Team)