PAGASA, naglabas na ng rainfall warning!

PAGASA, naglabas na ng rainfall warning!

July 18, 2018 @ 11:25 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Naglabas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA kaninang alas-8 ng umaga, Miyerkules (July 18) dahil sa southwest monsoon o habagat.

Sinailalim sa orange warning level ang Metro Manila, Rizal, Bataan, at Zambales.

“Intense rains threaten flood-prone areas,” ayon sa advisory ng PAGASA.

Ang Orange Warning Level ay nangangahulugan na nasa 15-30 mm na malakas na pag-ulan ang maaring mararanasan sa loob ng isang oras at magpapatuloy pa sa susunod pang dalawang oras. Pinapayuhan ang publiko na manatiling maging aleto sa posibleng paglikas.

Bukod pa rito, isinailalim rin sa Yellow Warning Level ang Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite,  Nueva Ecija at northern Quezon.

Ibig sabihin, ang malakas na ulan na nasa 7.5 to 15mm ay inaasahan sa loob ng isang oras na magpapatuloy ng dalawa pang oras. Posible rin ang pagbaha sa mga mababang lugar.

Nagbabala rin ang PAGASA na makararanas rin ng light to moderate  na may panaka-nakang pag-ulan ang Laguna, Batangas at sa iba pang bahagi ng  Quezon sa susunod na tatlong oras. (Remate News Team)