PAGASA sa mga missing mayor sa gitna ng sakuna: 5 araw bago tumama ang bagyo sa bansa, nag-abiso na

PAGASA sa mga missing mayor sa gitna ng sakuna: 5 araw bago tumama ang bagyo sa bansa, nag-abiso na

November 22, 2020 @ 3:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga missing in action na mga alkalde na limang araw bago ang inaasahang pagtama ng bagyo ay nagbibigay na ng abiso.

“Alam naman natin na ang bagyo po, di naman out of nowhere lumalabas bigla, papasok sa ating bansa…We will count a few days, sabihin natin 5-6 days bago ito tumama ng bansa. Wina-warn na natin ang mga tao at binibigyan na natin sila ng scenario,” ayon kay Benison Estareja.

Ito ay matapos mabatikos Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano nang magdiwang ito ng kaarawan sa Batangas City sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Depensa naman ng alkalde na nagdiwang ito ng kaarawan nitong Nobyemre 8 kung saan wala pang storm signal.

Aniya, bumalik siya ng Tuguegarao “just in time” para sa rescue operation sa mga stranded na residente sa lungsod.

“Kung sabihin man natin na ito’y dadaanan ng Bicol region, we cannot give a higher wind signal dito sa Tuguegarao,” paliwanag naman ni Estareja.

“Ang PAGASA regional offices po, ready din sila. Sa Tuguegarao, meron din tayong regional station. Sa Tuguegarao mismo, meron tayong forecasters na regional,” dagdag nito. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...