PAGASA: Tropical depression papalapit sa PAR; tatawaging ‘Neneng’

PAGASA: Tropical depression papalapit sa PAR; tatawaging ‘Neneng’

October 13, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Papalapit ang bagong tropical depression sa Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa state weather bureau. Tatawagin itong Neneng.

Batay sa abiso, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na ang tropical depression na huling namataan 1,400 kilometers east of extreme northern Luzon ay posibleng pumasok sa PAR ngayong Huwebes. Mayroon itong maximum sustained winds na 45 kilometers per hour (kph) at na 55 kph patungong northwestward.

Posible rin umanong lumakas ang tropical depression sa tropical storm sa pagdaan nito sa Philippine Sea.

Kapag nakapasok na sa PAR, inaasahang magdudulot ng malakas na ulan si Tropical Depression Neneng sa extreme northern Luzon simula sa Sabado, ayon sa state weather service.

Inaasahan ding magdudulot ang weather event ng rough waves sa Biyernes na magiging mapanganib sa seacrafts. RNT/SA