Pagbaba ng COVID cases sa NCR, bumagal – OCTA

Pagbaba ng COVID cases sa NCR, bumagal – OCTA

March 21, 2022 @ 3:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Bahagyang bumagal ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.

Pero sa kabila nito, sinabi ng OCTA Research Group na nananatiling nasa “low risk” sa COVID-19 ang rehiyon.

Sa kanyang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba sa 4% ang seven-day average ng mga bagong kaso sa National Capital Region gayundin ang average daily attack rate (ADAR) nito hanggang kahapon, Marso 20 kumpara sa 23% decrease noong Marso 7 hanggang 13.

Tumaas naman sa 0.26 hanggang 0.38 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng virus sa rehiyon.

Pero aniya, nasa low-risk classification pa rin ang NCR base sa COVID Act Now metrics na ginamit ng OCTA.

“Overall, the NCR remained at low risk but is very close to very low risk,” ani David. RNT/ JCM