Pagbaba ng COVID trend sa NCR premature pa – gov’t adviser

Pagbaba ng COVID trend sa NCR premature pa – gov’t adviser

January 20, 2022 @ 1:20 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.

Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa Omicron variant ay umabot na sa peak nito at ngayon ay nasa downward trend.

“Mahirap magsabi na ito na nga yung pababa. Although negative nga at bumababa because of the past two days mabilis pa nga yung pagbaba, hindi pa rin tayo nagre-relax. We are still cautious,” ang sagot ni Herbosa.

Aniya, tinitingnan nila ang one-week average daily attack rate at growth rate para i- assess ang trend ng COVID-19 cases.

Sa kabila ng pagbaba ng infections, nagbabala si Herbosa sa posibilidad na ang napaulat na COVID-19 cases noong nakaraang linggo ay magsisimulang maranasan ang problema at komplikasyon at dalhin sa mga ospital.

Dahil dito, ang mga ospital ay naghahanda na para sa ganitong sitwasyon.

Araw ng Miyerkules, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang weekly growth rate ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay pumalo na sa -10%,  nagpapakita ng downward trajectory.

Idinagdag pa nito na ang reproduction number sa Kalakhang Maynila ay bumaba na sa 1.79 mula sa 2.07.

“The pattern is very similar to the South Africa experience of a rapid surge followed by a dramatic decrease in infections,” ayon kay David.

Hiniling nito sa publiko na huwag maging kampante at ipagpatuloy lamang na gawin ang basic health protocols. Kris Jose