Pagbaba ng year-end vaccination target inalmahan ni Robredo

Pagbaba ng year-end vaccination target inalmahan ni Robredo

May 30, 2021 @ 3:32 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Para kay Vice President Leni Robredo na mas mainam na mataas ang target ng gobyerno sa pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

“Okay naman ‘yung mas realistic ‘yung targets. Pero para kasi sa’kin, mas marami tayong gagawin, mas urgent ‘yung ating pag-aksyon ‘pag mas mataas ‘yung targets,” ani Robredo sa radio show nito.

“Para sa’kin, sana mag-aim high pa rin tayo,” aniya pa.

“Para sa’kin, hindi makakasama na mag-aim pa rin tayo for herd immunity para ‘yung aksyon natin, ‘yung mga ginagawa natin towards that end.”

Kamakailan, ibinaba sa 50 hanggang 60 milyon ang target na mabakunahan bago matapos ang taon mula sa inisyal na target na 70 milyon.

Ayon sa Department of Health ito ay dahil sa isyu ng suplay ng COVID vaccine sa buong mundo. RNT/ELM