Pagbabago ng panahon magpapaulan sa Calabarzon, 4 pang lugar

Pagbabago ng panahon magpapaulan sa Calabarzon, 4 pang lugar

December 12, 2021 @ 8:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang shear line o tail-end ng cold front sa silangang bahagi ng Southern Luzon ngayong araw at inaasahang magdadala ng kalat na pag-ulan sa Calabarzon at apat pang lugar, ayon sa ulat ng PAGASA.

Makararanas ang Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque at Romblon ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan at thunderstorms, na may posibilidad ng pagbaha o pagguho ng ulan sakaling maging moderate hanggang heavy ang ulan.

Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Aurora na may mahinang pag-ulan sanhi ng Northeast Monsoon (Amihan) na nakaaapekto sa Northern at Central Luzon.

Samantala, makararanas naman ng  partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains sanhi ng monsoon ang Metro Manila, Ilocos Region at natitirang abhagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon 

Sa natitirang bahagi naman ng bansa, inaasahan ang partly cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms sanhi ng localized thunderstorms. Maaari ring magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa sakaling tumindi ang pag-ulan.

Moderate to rough ang sitwasyon sa coastal waters sa Luzon, Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao.

Slight to moderate naman ang karagatan sa natitirang bahagi ng Mindanao.

Sumikat ang araw alas-6:11 ng umaga at inaasahan ang paglubog nito pagsapit ng alas-5:28 ng gabi. RNT/SA