Pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng ConCon aprubado na sa komite

Pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng ConCon aprubado na sa komite

February 20, 2023 @ 4:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos ang isinagawang 7 public consultations, inaprubahan na ng House Commitee on Constitutional Amendments ang commitee report ng Resolution of Both Houses na nagsusulong ng Constitutional Convention (ConCon) ang gawing paraan sa pagrebisa sa 1987 Philippine Constitution.

Sa naging botohan ay 16 mambabatas ang bumoto na pabor, 3 ang tutol habang 1 ang nag-abstain.

Ang naghain ng 3 “No votes” ay ang Makabayan Bloc solons na sina Act Partylist Rep France Castro, Gabriela Partylist Arlene Brosas at Kabataan Partylist Raoul Manuel habang ang tumutol naman ay si House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza na mas nais ang Constituent Assembly (Con-Ass).

Itinuloy ng komite ang pagtalakay sa Cha-cha sa kabila ng nauna nang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon.

Bago ang naging pag-apruba ng komite ay humarap bilang top resource person si dating Supreme Court Chie Justice Reynato Puno, aniya, pabor sya sa Con-con subalit hindi sa tradisyunal na paraan kundi sa pamamagitan ng “hybrid model.”

“Should it push through, Concon should be comprised of a certain number of delegates elected by the voting public, and experts appointed and strictly vetted by a body composed of representatives from the executive and legislative branches of government. In other words, the power to appoint these experts will not be monopolized by the executive. This hybrid model has been used in other countries with no constitutional issues raised against it. This model will assure a constitutional convention that is both independent and competent,” paliwanag ni Puno.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Con-con ay isang scheme kung saan ang mga delagado na siyang aatasan na bumalangkas ng bagong Charter ay galing sa mga distrito na ihahalal naman ng publiko. Gail Mendoza