Pagbabago sa sistema ng pamamahagi ng ayuda, inihirit ng Tanay MDRRMO

Pagbabago sa sistema ng pamamahagi ng ayuda, inihirit ng Tanay MDRRMO

December 12, 2022 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa national government na ayusin ang sistema para sa distribusyon ng financial aid, ayon sa pinuno nito na si Norberto Matienzo Jr. 

Inihayag ni Matienzo ngayong Lunes na nakipagpulong ang Office of the Civil Defense (OCD) nitong Linggo sa regional Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Kahapon, nagkaroon kami ng meeting ng Zoom dito po sa Office of the Civil Defense. Nasabi na rin po natin ang ganyang sistema sa national government po through the regional DSWD po,” aniya.

“Para kung sakali po sana ay magkaroon po ng pagbabago sa kanilang sistema at hindi lamang po apektado itong mga [indigenous peoples] kundi lahat din po ng mga senior citizens na kumukubra ng kanila ayuda,” dagdag niya.

Ito ang naging pahayag ni Matienzo nang tanungin ukol sa mga pagbabago sa distribution system kagaya ng pagpapadala ng lke government personnel sa malalayong lugar upang mamahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo.

Nitong Linggo, walong pasahero ng jeep– pitong senior citizens at isang 5-anyos– ang nasawi sa Barangay Sta. Ines sa Tanay, Rizal matapos anurin ng baha.

Nagtungo ang mga matatanda sa bayan upang kumuha ng financial assistance mula sa DSWD. RNT/SA