Pagbabago sa workflow, ikinasa ng bagong SRA board kasunod ng sugar mess

Pagbabago sa workflow, ikinasa ng bagong SRA board kasunod ng sugar mess

February 16, 2023 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Matapos maharap sa kontrobersiya hinggil sa sugar importation order noong nakaraang taon, sinabi ng bagong board members ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na naagpatupad sila ng mga pagbabago upang pagbutihin ang workflow nito.

“The workload is very divided among the three of us and we work together as a team,” pahayag ni SRA board member Pablo Luiz Azcona, kinatawan ng planters.

Bukod kay Azcona, ang ibaa pang miyembro ng bagon board ay sina Administrator David John Thaddeus Alba, at Mitzi Mangwag, na kinatawan ng millers.

Pinalitan nila sina Hermenegildo Serafica, Roland Beltran, at Aurelio Gerardo Valderrama Jr. na nagbitiw sa pwesto kasunod ng kontrobersyal na order sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal noong August 2022.

Sinabi ni Azcona na sa nakaraang SRA administration, mayorya ng workload ay nakatuon sa administrator.

Sinabi niya na pinamumunuan ng bagong board members ang iba’t ibang komite, depende sa sektor na kinakatawan nila. Kabilang dito ang research and development, mill district development councils, at organizational block farms.

Noong Enero, ibinasura ng Office of the President ang administrative complaint laban sa dating SRA officials at kay dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, na lumagda sa kontrobersyal na order. RNT/SA