Pagbabakuna ng 4th dose ng COVID vax aarangkada sa Abril o Mayo – NVOC

Pagbabakuna ng 4th dose ng COVID vax aarangkada sa Abril o Mayo – NVOC

March 26, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng umpisahan ang pagtuturok ng ika-apat na dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines simula sa katapusan ng Abril o unang bahagi ng Mayo kapag naaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) nito, ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Sabado.

“Nag-propose na ang DOH [Department of Health] ng EUA for approval ng FDA for a 4th dose. ‘Pag naaprubahan ng FDA ‘yan within the month, then isasalang na ‘yung mga guidelines,” pahayag ni NVOC Chairperson and Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

“Mga last part of April or beginning of May kasi aaralin din naman ‘yan ng FDA kung ano ‘yung added beneficial effects ng fourth dose,” dagdag niya.

Sinabi ni Cabotaje na sinisilip ang ika-apat na dose ng COVID-19 vaccines para sa moderately at severely immunocompromised maging sa mga indibidwal na mahina sa severe forms ng COVID-19.

“Nakita sa mga pag-aaral na the fourth dose can be beneficial for people with high risk of severe illness,” aniya.

Inilahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules na base sa insiyal na rekomendasyon mula sa  Vaccine Expert Panel, nagsumite ang DOH ng aplikasyon sa FDA para sa pag-amyenda sa COVID-19 vaccines EUA para maisama ang ika-apat na dose para sa senior citizens at immunocompromised individuals. RNT/SA