Pagbabakuna sa A1-A3 category, tuloy pa rin sa pagsisimula ng A4

Pagbabakuna sa A1-A3 category, tuloy pa rin sa pagsisimula ng A4

June 7, 2021 @ 10:02 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng paghahanda ng ilang mga lokal na gobyerno sa pagbabakuna sa A4 category ngayong Lunes, ipinaalala ng gobyerno na tuloy pa rin ang pagbabakuna sa A1, A2, at A3 category.

Isasagawa ang ilang mga ceremonial vaccinataion ng A4 group of economic frontliners sa Parañaque, Mandaluyong, habang sa Hunyo 9 sa Valenzuela.

Sa SM Mall of Asia naman isasasagawa ng national government ang ceremonial vaccination nito ngayong Lunes na dadaluhan ng mga top government officials.

Sa isang FB post naman, sinabi ng Taguig City government na prayoridad pa rin nila ang pagbabakuna sa A1 to A3 category.

“The city continues to prioritize the vaccination of those under the A1 (Health Workers), A2 (Senior Citizens), A3 (Persons with Comorbidities), but is ready for the inoculation of those who fall under the A4 (Essential Workers) category,” anito.

Base naman sa inilabas na guidelines ng IATF, hahatiin sa dalawang yugto ang pagbabakuna sa mga nasa A4.

Uunahin ang nasa NCR plus 8 at isusunod na ang ibang bahagi ng bansa. RNT