Pagbabakuna sa Caloocan tigil muna

Pagbabakuna sa Caloocan tigil muna

July 14, 2021 @ 7:10 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagpaliban ang pagbabakuna para sa mga nakatakdang tumanggap ng second dose ng Sinovac sa Caloocan City simula Miyerkoles, Hulyo 14.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, hinihintay pa ang karagdagang supply ng Sinovac matapos magkaroon ng pagkaantala sa pagdating nito sa bansa ngunti inaasahang darating ang mga ito sa mga susunod na araw.

Nakasaad sa Facebook page ni Mayor Oscar Malapitan na manatili lamang umanong nakaantabay ang mga babakunahan sa page ng alkalde para sa kanilang reschedule sa oras na dumating na ang karagdagang supply ng Sinovac vaccine.

Samantala, tuloy naman ang pagbabakuna ng first dose para sa A1, A2, A3, A4 at A5 priority groups. Bukod dito ay patuloy din ang second dose vaccination para sa mga nakatanggap ng Pfizer.

Sa karatig na lungsod naman ng Malabon, mayroong Ā 2,640 residentengĀ  nakatakdang bakunhan sa nasabing petsa sa pitong vaccination sites.

Magugunitang ipinagpaliban ang pagbabakuna para sa mga nakatakdang tumanggap ng 2nd dose ng Sinovac sa Valenzuela City mula Lunes, Hulyo 12 hanggang Linggo, Hulyo 18, dahil sa kakulangan din ng supply ng bakuna. Merly Iral