Pagbabakuna sa edad 5-11, itinigil sa Valenzuela

Pagbabakuna sa edad 5-11, itinigil sa Valenzuela

February 15, 2022 @ 12:45 PM 5 months ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang inihinto nitong Pebrero 15, Martes, ang pagbabakuna sa mga lima hanggang 11-taong-gulang sa Valenzuela City hakbang habang hinihintay ang karagdagang supply ng Pfizer vaccine.

Dagdag pa ng city hall, sa sandalling dumating ang mga hinihintay na bakuna mula sa pambansang pamahalaan, muling magbibigay ng appointments ang Valenzuela City Vaccination (VCVAx) staff.

Gayunman, tuloy ang pagbabakuna ng 1st dose at 2nd dose a mga 12-17-taong-gulang, at 1st dose, 2nd dose, at booster para sa mga edad 18 pataas.

Hinimok din ng city hall ang nasasakupan na bisitahin ang valenzuela.gov.ph/vcvax/ para sa vaccination updates. Merly Iral