Pagbabalik ng e-sabong tinutulan ng solon

Pagbabalik ng e-sabong tinutulan ng solon

September 2, 2022 @ 7:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang planong pagbabalik ng online sabong na una nang pinahinto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo.

Sinabi ni Rodriguez kakayanin ng Philippine Gaming and Amusement Corp. (PAGCOR) na makakuha ng revenue sa ibang mga programa nito nang hindi na kailangan na ibalik pa ang e-sabong.

“Pagcor should see the evils its online cockfighting project has brought about. It doesn’t need e-sabong”ani Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na hindi dapat isantabi ng pamahalaan ang mga nawawalang mga operators ng e-sabong, aniya, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nahahanap ang 26 indibidwal na nawala dahil sa koneksyon sa sabong.

Ang pagbalik sa e-sabong ay muling uminit matapos humarap sa budget briefing ng Kamara si Pagcor Chairman Alejandro Tengco, ilang mambabatas ang nagtanong sa opisyal ukol sa posisyon ng Marcos administration sa e-sabong at kung may plano itong ibalik o tuluyan nang ihihinto.

Hindi naman nakasagot sa tanong si Tengco ay sinabing hindi pa nila ito napag-uusapan ni Pangulong Bongbong Marcos. Gail Mendoza